Dalawa sa limang general na pinangalanan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa drug list ang nagnanais na mapasailalim sa witness protection program (WPP).

Ito ang inihayag ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre, ngunit tumanggi ang kalihim na pangalanan ang mga ito.

Magugunita na kabilang sa mga pinangalanan sina General Bernardo Diaz, General Joel Pagdilao, at General Edgardo Tinio; retired generals Mayor Vicente Loot at Marcelo Garbo.

Ang alegasyon ay pinabulaanan ng mga ito, ngunit tuloy pa rin ang imbestigasyon sa kanila. (Yas D. Ocampo)

National

PBBM sa kapalaran ng ICI: 'They are really coming towards to the end!'