Tiniyak ni Department of Energy (DoE) Secretary Alfonso Cusi na hindi magkakaroon ng krisis sa enerhiya sa kabila ng nararanasang brownout sa ilang bahagi ng Luzon nitong mga nakalipas na araw.
Sa pagtatanong ni Senator Leila de Lima sa pagdinig kahapon sa Senado, sinabi ni Cusi na sapat ang reserba sa Luzon at walang dapat na ipangamba.
Sa ngayon nakakaranas ng pagkawala ng kuryente sa ilang lugar sa Luzon, pero ikinatwiran ng DoE na sapat ang kanilang imbak na enerhiya.
Aniya, ang pagkawala ng kuryente ay bunga ng problemang teknikal katulad ng pagkumpuni sa mga boilers at mababang antas ng tubig sa mga hydroelectric power plants.
Ang imbestigasyon ay ginawa ng Senado para matukoy kung may sabwatan sa pagitan ng mga power supplier sa bansa para magtaas ng singil sa kuryente. (Leonel M. Abasola)