UNITED NATIONS (AP) — Sinabi ni Secretary-General Ban Ki-moon na kung siya ang papipiliin ay nais niya na babae ang susunod na mamumuno sa United Nations sa unang pagkakataon simula nang itatag ang samahan mahigit 70 taon na ang nakalipas.
Sa nalalapit na pagtatapos ng kanyang ikalawang five-year term sa Disyembre 31, sinabi ni Ban na panahon na para sa isang babaeng secretary-general matapos ang pamumuno ng walong lalaki sa samahan ng mga bansa.
Mayroong 11 kandidato na umasang maging kapalit ni Ban — anim na lalaki at limang babae.
Ngunit idiin ni Ban na hindi siya ang magdedesisyon kundi ang 15-miyembrong Security Council na magrerekomenda ng isang kandidato para aprubahan ng 193 kasapi ng General Assembly.