Napatatag ni Carl Sato ang kampanya tungo sa impresibong panalo sa juniors division, habang namayani si Adrian de Luna sa kiddies play at nanaig si Ray Batucan sa seniors division ng Shell National Youth Active Chess Championship Southern Mindanao leg sa SM Ecoland Event Center sa Davao City.

Naungusan ni Sato, pambato ng Panabo City’s A.O. Floirendo National HS, ang co-leader at No. 2 seed na si Ronald Canino, nang gapiin si Rey Mantilla sa ikapitong round bago tumabla laban kay Kristensen Banguiran at Romeo Canino para sa solong pangunguna sa 13-16 category tangan ang 8.5 puntos.

Pinangunahan nina Arvin Obmerga, Retail District Manager for Mindanao of Pilipinas Shell, Shell Active chess alumnus Danilo Engay Jr., at Shell executives Gene Abrantes, Sasa Terminal Manager-Projects of Pilipinas Shell, Nicole Dandan, Terminal Manager (Sasa) of Pilipinas Shell, Ingrid Vargas, Commercial Fuels Account Manager (South Mindanao) of Pilipinas Shell, Marielle Belen, Lubricants Indirect Channel Account Manager (Mindanao) of Pilipinas Shell, and Michelle Perez, Sasa Terminal Operations Admin of Pilipinas Shell, ang pagbibigay ng tropeo at premyo sa mga nagwagi.

Winalis ni De Luna, mula sa Sta. Barbara NHS sa Iloilo City, ang mga karibal sa 7-12 age group para makasama sa national finals ng torneo na itinataguyod ng National Chess Federation of the Philippines.

Muntik mag-suntukan! Beermen vs Taoyuan, nagkainitan sa PBA-EASL

Nakaiskor naman si Batucan ng 3.5 sa huling apat na laro para sa titulo.