SEOUL (AFP) – Dinepensahan ni President Park Geun-Hye noong Lunes ang panukalang pagpuwesto ng US anti-missile system sa South Korea bilang self-defence at proteksyon ng mamamayan laban sa North Korea, kasabay ng pagpapakalbo ng mahigit 900 residente sa Seongju county bilang protesta sa plano.

Mataas ang tensiyon sa Korean peninsula simula nang magsagawa ang North ng ikaapat na nuclear test noong Enero at sinundan ng serye ng mga missile test.

Sumagot ang South Korea sa pag-anunsiyo ng deployment ng US Terminal High Altitude Area Defense (THAAD) system, na nagbunsod ng mga protesta sa bansa at reklamo mula sa China, na itinuturing itong banta sa katatagan ng rehiyon.

Tutol ang mga South Korean sa THAAD, lalo na ang mga residente ng Seongju county kung saan itatayo ang unang battery.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Ayon sa kanila, mapanganib sa kalusugan at kapaligiran ang malakas na radar nito at iginiit na tatargetin sila dahil sa presensiya ng THAAD.