KRIS2 copy

ILANG araw nang maysakit si Kris Aquino, kaya pala andaming nagtatakang followers niya na hindi man lamang siya nagpaparamdam sa kanyang social media accounts kumpara noon na konting kibot lang ay naka-post kaagad siya.

Bagamat matagal na siyang nagsabi na lilimitahan na niya ang paggamit ng social media dahil gusto muna niyang manahimik at pipiliin lang ang mga ipo-post niya.

Noong Lunes ay nabalitaan naming dumalo si Kris sa event ng kaibigan niya na hindi raw niya matanggihan kahit masama ang kanyang pakiramdam.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Kapansin-pansin na malaki ang ipinayat ng Queen of All Media na halatang hindi maganda ang pakiramdam kaya kaagad namin siyang tinext para kumustahin.

Halos hatinggabi na nang sumagot sa amin si Kris, “Nag-post lang nu’ng pinagdadaanan kong EXTREME, near-death migraine.”

Nakababahala ang sinabi ng TV host na umaabot na sa 170/108 ang kanyang blood pressure, kaya round the clock ang monitor sa kanya ng doktor niya.

Ito ang sinasabing post ni Kris noong Lunes ng gabi, bago niya kami sinagot sa pangungumusta namin:

“Medical bulletin: I’ve been resting in bed since Wednesday night -- my BP was 170/108 from extreme pain due to the tightness of the muscles in my upper back & neck, there was also straightening of my cervical spine that produced a mixed nature of headaches related to migraine & cervicogenic type- trust me the physical distress was extreme.

“Dr. Tonio Piano (he trained in Singapore for this procedure) who is partners with Dr. JJ Tiongson my neurologist in Medical City this afternoon gave me Botolinum Toxin injections done over the cervical paraspinal & trapezius muscles (in simple language, Botox injections over the nape & shoulder muscles.)

“I wanted to explain my silence, I am feeling better but was told to take it easy until the end of the week. I’m also taking 4 different medicines -- so I stayed off IG because being under pain management medication could make me say things I’m better off keeping quiet about.”

Pinayuhan na rin naming huwag magpa-stress para hindi tumaas ang BP niya. Kaya naman kahit may gusto pa kaming itanong ay hindi na namin ginawa dahil baka sa amin pa siya ma-stress.

(Get well soon, Krissy! –DMB) (REGGEE BONOAN)