BAMBAN, Tarlac – Hindi na nakayanan ng isang aburidong ama ang problema ng kanyang pamilya hanggang ipinasya niyang magbigti sa ilalim ng punong santol sa Barangay San Roque, Dapdap Resettlement Area sa Bamban, Tarlac.

Kinilala ni PO3 July Baluyut ang nagpatiwakal na si Marty Sibal, 29, ng nasabing lugar.

Ayon sa report, dakong 2:22 ng umaga na nitong Lunes nang umuwi ang noon ay lasing na lasing na si Sibal kaya hindi siya pinagbuksan ng pinto ng asawang si Geraldine, 26, at kinabukasan ay pinagdiskusyunan ito ng pamilya Sibal.

Napaulat na nakarating pa sa barangay hall ang usapin, na pinaniniwalaang labis na dinibdib ni Marty.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

(Leandro Alborote)