[DFA} copy

Isang Pinay ang hinirang na “Best International Student” sa passing-out-parade ng 131 naval officers ng Britannia Royal Naval College (BRNC) sa Dartmouth, United Kingdom (UK) noong Agosto 11.

Si Philippine Navy Ensign Maycee Angga ang tanging babae sa grupo ng international student na mula Albania, Bahamas, Egypt, Libya, Qatar, United Arab Emirates, UK, at Ukraine. Sampu lamang ang nakapagtapos sa 20 dayuhang kadete na pumasok sa BRNC ngayong taon.

Gumuhit ng kasaysayan si Ensign Angga bilang unang Pilipino na dumalo at kumumpleto sa 30-linggong kurso sa pagsasanay sa BRNC na sinimulan noong Enero 4, sa ilalim ng suporta ng Philippine Navy at ng UK Government.

Silvanas, pasok sa ‘50 best cookies in the world’

Kabilang sa intensive training course ang study visit sa France, at three-week ship acquaint kung saan itinalaga si Angga sa HMS Bulwark, isang amphibious assault ship na nagpapatrulya sa mga tubig ng UK.

Itinatag ang BRNC noong 1863 sa Dartmouth, England bilang initial officer training establishment ng British Royal Navy. (Bella Gamotea)