Kahit gaano kaliksi sa pagtakbo, tuluyang nagwakas ang maliligayang araw ng isang lalaki na umano’y drug pusher, matapos pagbabarilin ng mga pulis sa isinagawang drug operation sa Malabon City, noong Lunes ng gabi.

Dead on the spot si Rolando Navarro, 32, ng No.114 Pineapple St., Barangay Potrero ng nasabing lungsod, sanhi ng mga tama ng bala ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Ayon sa ulat, dakong 8:00 ng gabi, nagsagawa ng drug operation ang mga tauhan ng Station Anti-Illegal Drugs- Special Operation Task Group (SAID-SOTG) sa lugar ni Navarro.

Nakita umano ng suspek na paparating na ang mga pulis kayat kumaripas ito papalayo dahilan upang habulin siya ng mga parak.

'May milyonaryo ulit!' Lone bettor, wagi ng ₱15M sa Super Lotto 6/49!

Nakorner si Navarro sa tinakbuhang dead end at pinaputukan umano ang mga humabol na pulis, ngunit walang tinamaan.

Dito na nagdesisyon ang mga awtoridad na paputukan si Navarro na naging sanhi ng kanyang pagkamatay.

Narekober mula sa suspek ang isang plastic sachet na naglalaman ng shabu, .38 caliber at P500, 000. (Orly L. Barcala)