Joseph copy

HINDI na kataka-taka ang pagiging multi-talented ni Joseph Gordon-Levitt. Nitong nakaraang weekend, idinagdag niya ang pagiging subway performer sa mahabang listahan ng kanyang talent.

Nagtanghal si Joseph ng killer drum solo para sa mga commuter ng New York City bilang bahagi ng kanyang “Everyday, Spectacular Project.” Suot ng aktor ng Snowden ang slick black-and-white suit habang nagtatanghal gamit ang kanyang asul na drum set sa gitna ng subway platform.

Kahit tipikal nang abala ang lahat at walang pakialam sa ibang bagay, may ilang commuters na napahinto para manood sa kanya. Isang subway rider ang huminto para lamang sabihin kay Levitt na may hawig siya kay Pee-wee Herman.

Human-Interest

ALAMIN: Pagkakaiba ng person of interest, suspek, at perpetrator

Ibinahagi ng star ang video ng pagtatanghal sa kanyang mahigit anim na milyong Facebook followers, at nilagyan ng caption na, “I played the drums (in a subway) for our ‘Everyday, Spectacular’ project — now, where are all you musicians gonna play your instruments?”

Sinundan niya ito ng tanong sa comment section kung may followers ba siyang tumutugtog ng bass, percussion, horns o anumang uri ng musical instrument, at ipinaliwanag na naghahanap siya ng musicians at vocalists na makakasama niyang mag-perform.

Ang Everyday, Spectacular project ay collaboration ng production company ni Levitt na hitRECord at ng LG. Ang layunin nila ay himukin ang mga tao na gumawa ng“a spectacular moment out of that everyday situation.” (Yahoo Celebrity)