Dahil sa pagmamatigas at hindi pagsuko, napatay ng mga awtoridad ang isang lalaki na umano’y supplier ng shabu nang siya’y arestuhin ng mga pulis matapos ikanta ng naarestong drug suspek sa Sampaloc, Manila, kahapon ng madaling araw.

Inaalam na ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng suspek na inilarawang nasa 40 anyos, moreno, at katamtaman ang pangangatawan.

Ang naturang lalaki ang itinurong drug supplier ni Alvin Gonzales na isa sa apat na drug suspect na naaresto sa drug operation noong Agosto 13, dakong 9:30 ng gabi sa 1040 Paquita St., Sampaloc, Maynila

National

Revilla, sumuko na: 'Nakakalungkot po parang wala yatang due process'

Sa ulat ni Police Supt. Aquino Olivar, commander ng Manila Police District (MPD)-Station 4, itinuro ni Gonzales ang napatay na suspek na supplier umano ng shabu at nang matukoy na magde-deliver ito ng ilegal na droga sa 1040 Paquita St., Sampaloc, kaagad ikinasa ng mga awtoridad ang Oplan Tokhang.

Gayunman, naramdaman umano ng suspek ang presensya ng mga pulis at binunot ang .38 caliber revolver at pinaputukan ang mga pulis ngunit mas mabilis ang pag-aksiyon ng mga pulis na naging sanhi ng pagkamatay nito.

Narekober mula sa suspek ang dalawang plastic sachet ng shabu at mga drug paraphernalia. (Mary Ann Santiago)