ZARAGOZA, Nueva Ecija - Limang tama ng bala ng baril ang ikinasawi ng isang 19-anyos na estudyante na nirapido ng hindi nakilalang mga salarin habang pabalik sa klase matapos bumili ng meryenda sa isang sari-sari store sa Purok Madre Falla Street sa Barangay Del Pilar sa bayang ito, kahapon ng umaga.

Kinilala ng Zaragoza Police ang nasawing si Jerry Antonio y Donato, 19, estudyante ng Floriana Bao Sadlan Technical Vocational School.

Ayon sa imbestigasyon ni PO2 Arnaldo Gabbac, dakong 9:40 ng umaga nang bumili ng meryenda ang biktima ngunit nang pabalik na sa klase ay sinundan ng dalawang hindi nakilalang suspek at pinagbabaril gamit ang isang .9mm caliber pistol.

Hindi pa matukoy ng pulisya ang motibo sa insidente. (Light A. Nolasco)

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar