Mga Laro ngayon

(Smart- Araneta Coliseum)

4:15 n.h. -- NLEX vs Mahindra

7 n.g. -- Meralco vs Blackwater

Another gold! Hidilyn Diaz, isa nang guro sa UP Diliman

Pagbawi sa natamong kabiguan ang tatangkain ng Mahindra sa kanilang pagtutuos ng NLEX sa unang laro ngayong hapon sa PBA Governors Cup, sa Smart Araneta Coliseum.

Naputol ang nasimulang four- game winning streak ng Enforcers noong nakaraang linggo matapos mabigo sa Phoenix,94-100.

Tatangkain ng Mahindra, kasalukuyang kasalo ng defending champion San Miguel Beer sa ikalawamg puwesto hawak ang barahang, 4-1, na makabalik sa winning track sa pagtutuos nila ng Road Warriors sa unang laro ngayong 4:15 ng hapon.

Para naman sa Road Warriors, tatangkain nitong kumalas sa pagkakabuhol sa kasalukuyang ikalimang puwesto taglay ang barahang 2-3, kasama ang Phoenix.

Hangad ng Road Warriors na dugtungan ang naitalang, 85-88, panalo kontra Star Hotshots na tumapos sa kinasadlakan nilang four- game losing streak.

Sa tampok na laban ganap na 7:00 ng gabi, mag- uunahan namang makabalik sa win column ang Meralco at Blackwater.

Sisikapin ng Bolts na bumangon mula sa 123-126 na double overtime na kabiguan sa kamay Globalport Batang Pier upang makasalo ng Ginebra sa ikaapat na puwesto, hawak ang barahang 4-2.

Nasa likod lamang ngayon ng Kings ang Bolts na naiiwan nila ng isang panalo kasalo ang Rain or Shine sa parehas na kartadang 3-2. (Marivic Awitan)