Agosto 17, 1915 nang ipagkaloob kay Charles Kettering ang United States (US) Patent No. 1,150,523 sa naimbentong unang electric ignition device para sa mga sasakyan. Ang nasabing imbensiyon, na ginagamitan ng susi, ay nakatutulong sa mga drayber na magpatakbo ng sasakyan nang mas madali at ligtas.
Bago ang imbensiyon, bubuksan ng mga drayber ang internal combustine engine sa pamamagitan ng iron hand cranks, na kinakailangan ng tamang gamit ng brado at kamay. Naging inspirado si Kettering na buohin ang imbensiyon nang gawin niya ang unang electric cash register, na binubuksan sa pamamagitan ng pagpindot sa button upang umandar ang motor.
Pagsapit ng 1920s, karamihan sa mga bagong automobile ay gumagamit ng self-starter at nakatulong sa pagpapalago ng kultura ng automobile sa US.
Noong nagsisilbi pa si Kettering bilang vice president ng General Motors at direktor ng research mula 1920 hanggang 1947, nabuo ang iba pang inobasyon gaya ng spark plugs, leaded gasoline, automatic transmission, at ang four-wheel brakes.