SAN JOSE CITY - Tuluyan nang bumagsak sa kamay ng batas ang isang 30-anyos na wanted at umano’y drug dealer makaraang masakote ng pinagsanib na intelligence operatives at San Jose City Police, sa manhunt operation sa Barangay San Agustin sa siyudad na ito, Lunes ng tanghali.

Sa ulat ni Supt. Reynaldo Dela Cruz, hepe ng San Jose City Police, kay Nueva Ecija Police Provincial Office director Senior Supt. Manuel Estareja Cornel, nakilala ang naaresto na si Ricardo Cabico y Aban, obrero, ng Zone 7, Bgy. San Agustin.

May arrest warrant si Cabico sa paglabag sa Section 11, Article II ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act).

(Light A. Nolasco)

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar