Binalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang terrorist group na Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) laban sa paghahasik ng terorismo sa bansa, sapagkat mas mabagsik umano ng sampung beses ang Pangulo kaysa sa kanila.

Sa kanyang talumpati sa harap ng mga bagong talagang opisyal sa Malacañang, inilahad ng Pangulo ang mga gawain ng barbarong ISIS.

“ISIS, they don’t have any political ideology. They don’t have any concept of what really there is. You maimed people, you killed them; and women who refused to have sex with them, they simply burned them,” ani Duterte.

“We have seen a barbaric practice, and even cutting throats of other people in front of the world. Hindi ko malaman kung how to meet this kind of..If you do that, you also bring the worst out of me,” ayon sa Pangulo.

National

Super Typhoon Ofel, napanatili ang lakas habang nasa northeast ng Echague, Isabela

Kung gagawin ito ng ISIS sa bansa, “bale tabla tayo diyan, because if you can do it, I can do it ten times better than you, definitely,” dagdag pa ng Pangulo.

Binalaan din ng Pangulo ang Abu Sayyaf Group (ASG) na sumumpa ng paniniwala sa ISIS, na ‘huwag sobrahan’ dahil hindi umano papayagan ng Pangulo na wasakin ng terorismo ang bansa. (Elena L. Aben at Beth Camia)