Isinusulong ni Senator Bam Aquiino ang pagbibigay ng tax exemption sa mga negosyo at komunidad na tinamaan ng kalamidad.
“This measure seeks to relieve Filipinos of some taxes to encourage recovery after disaster,” wika ni Sen. Aquino sa paghahain niya ng Senate Bill No. 653 o “An Act Providing for Tax Relief in Times of Calamity”.
Sa ilalim ng panukala, hindi na pagbabayarin ng real property tax ang mga komunidad na idineklarang nasa state of calamity at hindi muna sisingilin ng income tax ang mga nasalantang negosyo. Aalisin din ang donor’s tax sa mga organisasyon na 90 porsiyento ay direktang mapupunta sa mga apektadong komunidad. (Leonel M. Abasola)