BATANGAS CITY - Patay ang isang barangay chairman makaraang pagbabarilin ng riding-in-tandem habang sakay sa kanyang owner-type jeep sa National Road ng Sitio Tacad sa Barangay Libjo, Batangas City.

Kinilala ng pulisya ang biktimang si Felix Lualhati, 40, chairman ng Bgy. Maruclap sa lungsod.

Ayon sa report ng Batangas Police Provincial Office (BPPO), dakong 4:15 ng hapon nitong Lunes at minamaneho ng biktima ang kanyang owner-type jeep (DPS-240) nang pagbabarilin siya ng mga suspek.

Kaagad na tumakas ang mga suspek, sakay sa itim na motorsiklo at kapwa nakasuot ng itim na helmet.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Hindi pa mabatid ng pulisya ang motibo sa pamamaslang. (Lyka Manalo)