MEXICO CITY (Reuters) – Kabilang ang anak na lalaki ng Mexican drug lord na si Joaquin “Chapo” Guzman sa mga dinukot sa isang restaurant sa bayan ng Puerto Vallarta noong Lunes ng umaga.

Sinabi ni Jalisco State Attorney General Eduardo Almaguer sa news conference nitong Martes na isa si Alfredo Guzman, 29, sa anim kataong dinukot ng armadong kalalakihan sa isang mamahaling kainan sa sentro ng Pacific resort town na dinarayo ng mayayamang turista dahil sa magandang baybayin nito.

Si Guzman ang pinuno ng Sinaloa cartel at isa sa most wanted drug kingpin ng mundo hanggang sa siya ay mahuli noong Enero.

nasa timog ng Pacific coast mula sa Sinaloa, ay teritoryo ng Jalisco New Generation cartel, isa sa pinakamakapangyarihang drug gang sa bansa sa kasalukuyan.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina