CONAKRY (AFP) – Isang lalaki ang binaril at napatay ng pulis noong Martes sa pagpoprotesta ng kalahating milyong mamamayan sa Guinea laban sa diumano’y katiwalian sa pamahalaan.
Ilang demonstrador pa ang nasugatan sa rally sa Conakry para kondenahin ang anila’y maling pagpapatakbo sa ekonomiya ng gobyerno ni President Alpha Conde.
Sinabi ng security forces na 500,000 katao ang nakiisa sa 15-kilometrong prusisyon mula suburbs hanggang sa 28 Septembre stadium sa kabisera ng bansa.
Ang namatay na si Thierno Hamidou Diallo, 21, ay binaril sa dibdib ng isang pulis, habang siya ay nakaupo sa balkonahe ng kanyang apartment sa Bambeto.