RIO DE JANEIRO (AP) — Bigyan daan ang posibleng tagpagmana sa trono ni Usain Bolt.
Umagaw ng pansin si Wayde van Niekerk ng South Africa nang angkinin ang gintong medalya sa 400-meter run sa bagong world record na 43.03 segundo.
Nalagpasan niya ng 0.15 segundo ang dating record na naitala ni US runner Michael Johnson may 17 taon na ang nakalilipas.
“I thought someone was going to catch me,” pahayag ni Van Niekerk, ipinapalagay na papalit sa kasikatan sa track ng Jamaican superstar.
Ipinahayag ni Bolt matapos manalo sa ikatlong sunod na Olympics sa 100-meter run na handa na siyang magretiro.
Ginapi ng 24-anyos na si Van Niekerk sina Kirani James ng Grenada at LaShawn Merritt ng Unites States.
“It’s Usain Bolt, the king of the 100 and 200,” Van Niekerk said. “I’m just grateful for being here. Just trying to build my legacy.”
Ngunit, maging si Bolt ay sang-ayon sa kahihinatnan ng career ni Van Niekerk.
“When he came to Jamaica, I said to him, ‘You’re the only person who can break the 400-meter record,’” pagbabalik-gunita ni Bolt.
“He’s very fast and keeps on going. To me, I wasn’t really surprised he got it.”