RIO DE JANEIRO – Lumaban at nakatawid sa finished line si Pinay marathoner Mary Joy Tabal.

Sa kabila ng kabiguan na makasingit sa podium – tumapos sa ika-124 – maituturing tagumpay ang ipinamalas na katatagan ng 24-anyos National champion sa women’s marathon event ng Rio Olympics nitong Linggo (Lunes sa Manila).

Naisumite ni Tabal ang tyempong tatlong oras, dalawag minuto at 27 segundo, malayo sa kanyang personal best na 2:43:31 sa Sambrodome, ang tanyag na lugar kung saan isinasagawa ang pamosong Rio Carnival.

‘Sobrang init. Pinilit kong makatapos para naman hindi kahiya-hiya sa ating mga kababayan,” pahayag ni Tabal.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Nakopo ni Jemima Jelagat Sumgong ng Kenya ang gintong medalya – kauna-unahan ng Kenya sa women’s marathon – sa tyempong 2:24:04, halos isang minuto ang layo sa Olympic record.

Nakam it ni Eunice Jepkirul Kirwa ng Bahrain ang silver medal (2:24:13) at napunta kay Ethiopian Mare Dibaba ang bronze (2:24:30).

May tatlong runner sa top 10 na nagmula sa United States, isa pang Ethiopia at Bahrain, Belarus at People’s Republic of Korea.

The top finishers were already done with the press interviews along the finish line area when the lone Filipina entry crossed the finish, cheered on by the crowd.

Sa labis na pagod, kinailangan gamitan ng wheelchair si Tabal para maihatid sa athletes area at mabigyan ng first-aid at kinakailangan tubig para makaiwas sa dehydration.

May kabuuang 24 runner ang hindi nakatapos ng karera.

Ayon kay Tabal, maging siya ay nagdalawang-isip ding tumigil pagpasok sa huling 10 km bunsod nang labis na pagkahapo dahil sa init ng araw.

“Yung iba talaga tumutumba na sa daan. Masyado mainit kanina. Minsan gusto ko na din tumigil pero pinilit ko tapusin ang karera.”

“Sabi ko sa sarili ko, hindi ako papayag na DNF (did not finish) and Pilipinas. Kaya slowly but surely, tinapos ko. Hindi ko na inisip yung time,” aniya.