Agosto 16, 1891nang makumpleto ang Basilica Minore de San Sebastian, na mas kilala na San Sebastian Church, at binasbasan ni dating Manila Archbishop Bernardo Nozaleda. Ito ay matatagpuan sa Quiapo, Manila.

Ang Gothic-style basilica ang natatanging all-metal church sa Asya. Ang bakal nitong pinto, pader, at poste ay mula sa Belgium at iniluwas sa Maynila ng siyam na steamship. Masisilayan sa loob ng basilica ang imahen ng Our Lady of Mount Carmel, at nanatili itong buhay sa kabila ng mga pagsasaayos.

Idinisenyo ng Spanish architect at dating direktor ng Public Works na si Genaro Palacios ang basilica, na hindi matitinag sa malakas na lindol.

Taong 1973 nang lagdaan ni dating Pangulong Ferdinand Marcos ang Presidential Decree No. 260, na kumikilala sa basilica bilang isang National Historical Landmark.

Silvanas, pasok sa ‘50 best cookies in the world’