Winalis ng San Beda College ang University of Perpetual Help(4-0) sa 3rd round bago iginupo ang defending champion Arellano University (3-1) sa 4th upang maagaw ang pamumuno matapos ang unang apat na laro sa NCAA Season 92 chess championships sa Jose Rizal University gym sa Mandaluyong City.

Dahil sa panalo, nakalikom ang koponan na binubuo nina Mari Joseph Torqueza, Alcon John Datu, McDominique Laguia, at Dave Patrick Dulay ng kabuuang 14.5 puntos.

Ang mga dating namumunong Chiefs at College of St.Benilde Blazers ay bumaba naman sa ika-apat at ikalimang puwesto, ayon sa pagkakasunod.

Bago natalo sa Red Lions, nagwagi ang Chiefs sa Blazers sa ikatlong round, 3.5-.5 para makalikom ng kabuuang 11 puntos kasunod ng pumapangalawa ngayong Lyceum (12.5) at pumapangatlong Letran (11.5).

Another gold! Hidilyn Diaz, isa nang guro sa UP Diliman

Bukod sa kabiguan sa Chiefs, natalo ang Blazers sa Lyceum Pirates sa 4th round,1-3, kaya bumaba sila sa panglima taglay ang siyam na puntos kapantay ng Mapua.

Bago naman ang panalo sa CSB, winalis ng Pirates ang Emilio Aguinaldo College Generals sa 3rd round, 4-0 habang umangat ang Knights sa ikatlong puwesto kasunod ng 2.5-1.5 panalo sa San Sebastian sa 3rd at 3.5-.5 na panalo sa Altas sa 4th round.

Sa juniors division, nangibabaw ang Letran matapos makatipon ng 13 puntos kasunod ng naitalang 2-2 draw kontra San Sebastian sa ikatlong round at 4-0 sweep laban sa Perpetual Help.

Pumapangalawa ang Red Cubs na may 11.5 puntos matapos ang parehas na 2.5-1.5 na panalo kontra Junior Alta’s at Braves, ayon sa pagkakasunod habang pumangatlo ang Braves na may 10 puntos. (Marivic Awitan)