PANTABANGAN, Nueva Ecija - Umaalingasaw at naaagnas na ang bangkay ng isang hindi kilalang lalaki na natagpuan sa Sitio Bayabas sa Barangay West Poblacion sa bayang ito, nitong Linggo ng umaga.

Ayon kay Normelinda Garcia, kasama niya ang asawa sa pangunguha ng panggatong sa lugar nang makalanghap sila ng masangsang na amoy hanggang sa natuklasan nila ang naaagnas na bangkay ng isang lalaki, na agad nilang ini-report sa pulisya.

Sa imbestigasyon ni PO2 Marilou Liban, dakong 11:50 ng umaga nang madiskubre ang bangkay na nakagapos at balot na balot ng packaging tape ang buong mukha, nasa edad 35-40, may suot na silver ring sa kaliwang kamay, at nakasuot ng green shorts at gray underwear.

Nakatali rin sa beywang ng biktima ang isang cardboard na nasusulatan ng “Drug pusher ako”, at mayroon itong isang tama ng bala sa ulo. (Light A. Nolasco)

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar