RIO DE JANEIRO (AP) — Kahit sa isang tulad niyang major champion, kakaiba ang damdamin ng isang atleta sa Olympics, higit sa isang medalist.

“It’s a moment you’ve seen in many other sports,” pahayag ni Rose.

“The medal ceremony is what it’s all about, really.”

Natikman ng 36-anyos Englishman ang kasiyahan at katuparan ng pangarap na tinangihan ng ilan sa pinakamalalaking pangalan sa golf para makasama sa kasaysayan ng tinaguriang ‘Greatest Show’.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Nagbabalik ang golf sa Olympics matapos huling laruin noong 1904. At makalipas ang 112 taon, pangalan ni Rose ang nakaukit na unang kampeon.

Naging mahigpit ang labanan sa final round kung saan walang player ang nakaungos ng mahigit sa isang puntos. Sa dikdikang laban, nailagay ni Rose ang 40-yard pitch sa tatlong talampakan ang layo sa cup, mistulang naulit ang makasaysayan niyang tira gamit ang 4-iron sa layong 229 yard sa 18th hole ng Merion para makopo ang 2013 US Open title.

Ang naiskor na birdie ang nagbigay sa kanya ng 4-under 67 at dalawang shot na bentahe kay Henrik Stenson, sumablay sa kanyang birdie putt at tumapos ng bogey para sa 3-under 68 .

Nakamit ni Matt Kuchar ng United States ang bronze medal sa iskor na 63 sa final round.

“I’ve never been so happy with a third-place finish in my life,” pahayag ni Kuchar.