Dalawang Pinoy boxer ang nagwagi sa kanilang laban sa magkahiwalay na kampanya kamakailan sa China at Japan.
Umiskor ng panalo si dating Philippine at OPBF super lightweight champion Romeo Jakosalem nang patulugin niya sa 6th round si Parmod Kumar ng India sa 8-round ng welterweight bout sa The Oulebao Dream World sa Penglai, China.
Ipinakita ng beteranong si Jakosalem ang bara-barang pakikibakbakan sa bagitong si Kumar na nakipagsabayan kaya napabulagta sa 6th round.
Nagtala naman ng ikatlong sunod na panalo sa Japan si Filipino rookie lightweight Miguel Ocampo matapos talunin via 4-round unanimous decision ang Hapon na si Takayuki Sakai sa sagupaan sa Kariya, Aichi.
Nakipagsabayan si Ocampo sa wala ring talong si Sakai upang manaig sa mga iskor na 38-37. (Gilbert Espeña)