FORSYTH, Illinois — Kumakatok si Clariss Guce sa pintuan ng LPGA.

Lumakas ang kampanya ng 26-anyos na Pinay mula sa CalState Northrdige na makakuha ng LPGA Tour card sa susunod na season nang pagwagihan ang Decatur-Forsyth Classic nitong Lunes para sa ikalawang Symetra Tour title.

Naitala ni Guce ang 1-under 71 para sa dalawang stroke na panalo.

“Anytime you win, it feels great,” sambit ni Guce, kasama ang pamilya na nanirahan sa California mula noong 2001.

Another gold! Hidilyn Diaz, isa nang guro sa UP Diliman

“Every win is special and I’m just overjoyed.”

Tumapos siya na may kabuuang 10-under 206 iskor para mauwi ang premyong $19,500 at bumaba sa ikapitong puwesto mula sa dating 12th spot sa money list tangan ang kabuuang $56,656 premyo.

Ang top 10 player matapos ang pitong event sa Symetra Tour ay mabibigyan ng LPGA Tour card.

“There is still a lot more golf and anything can still happen,” sambit ni Guce, nagwagi rin sa Rochester, New York nitong Hulyo.

“Just like in Rochester, I went from 84th to 12th so you just never know,” aniya.