Sinabi ng isang nangungunang Russian expert sa political developments at international relations sa Southeast Asia na mali na ipalagay na ang China lamang ang apektado sa hatol ng Permanent Court of Arbitration (PCA) sa South China Sea at isipin na pabor ito sa Pilipinas.

Sa panayam sa sidelines ng 5th Economic Research Institute for ASEAN and East Asia (ERIA) Editors’ Roundtable na ginanap kamakailan sa Vientiane, Laos, idiniin ni Dr. Victor Sumsky, Director ng ASEAN Center sa Moscow State Institute of International Relations (MGIMO), na sa isang punto ay hindi rin pabor sa interes ng Pilipinas ang PCA Final Award.

“It is a decision which has many more consequences, not just the presumed loss of China and the presumed advantage of the Philippines,” sabi ni Dr. Sumsky.

Pinuna niya na ang pinagtuunan ng pansin sa desisyon na inilabas noong Hulyo 12 ay natalo ang China at nadurog ang Chinese government.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“Some are also saying that if China want to prove that they are supportive of the international law they have no other way but to obey,” ani Sumsky.

Gayunman, kung hihimaying mabuti, ang tunay na sinira ng desisyon ng PCA ay ang mismong pagtatalo, diin niya.

Ayon kay Sumsky, nagsulat ng libro tungkol sa Pilipinas sa wikang Russian, ang tunay na sinasabi ng hatol ng Hague ay walang isla sa South China Sea kundi mga bato at buhangin lamang na hindi lumilikha ng teritoryo sa dagat.

Idinagdag pa niya na ang ipinunto ng desisyon ay walang mabubuo mula sa mga bagay na ito, at sa kasalukuyang anyo ng mga ito ay hindi ito maaaring tirahan ng tao.

“All of a sudden the South China Sea, apart from the exclusive economic zone and territorial waters of littoral countries becomes an international sea,” paliwanag ni Sumsky. “It is absolutely internationalized. If you can’t claim that it’s not part of your EEZ, doesn’t that mean that anybody who wants to drill for gas and oil can come freely there, including some of the waters which are still being claimed by some of the claimants?”

Binanggit niyang halimbawa ang diskuntento ng Taiwan tungkol sa proklamasyon na ang Itu Aba ay hindi isla.

“Does it mean that anyone who wants to explore Itu Aba for oil and gas or who want s to fish there could just come because of the decision of the Hague and do whatever it wants to do?” sabi ni Sumsky.

Kung iisipin, aniya, ang international law ay isang bagay na nagdadala ng kapayapaan at kasunduan.

“Does this particular decision lead us in the direction of agreement and peace?” sabi ni Sumsky. “Let’s think twice or thrice before inspiring anybody, including China, to obey a decision which in some technical terms, it does not need to abide.” (ROY C. MABASA)