Pinaalalahanan ng isang pari mula sa simbahang Katoliko ang Pokemon hunters na magpunta sa simbahan para sa tamang dahilan, hindi dahil sa panghuhuli ng sikat na Pokemon.

“(They) should go to church for right reasons,” ani Fr. Ronel Taboso, parish priest ng Sto. Niño Church sa Tacloban.

“They should use their time and energy productively and not waste their precious time,” dagdag pa nito.

Ang pahayag ng pari ay nakalathala sa balitaan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), kung saan puna ito sa pagdagsa ng Pokemon hunters sa bisinidad ng mga simbahan dahil ‘PokeStop’ ito.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sa kabila nito, hindi naman binabawalan ni Taboso ang Pokemon hunters.

“No, we do not shoo them, since they are already outside the church,” pahayag nito.

Kamakailan lang, naging kapansin-pansin ang pagdami ng Pokemon hunters sa bisinidad ng Sto. Niño Church, iconic landmark sa Tacloban. (Leslie Ann G. Aquino)