TARLAC CITY - Halos maligo sa sariling dugo ang isang binata na pinagbabaril ng hindi nakilalang riding-in-tandem habang nanonood ng laro sa basketball court sa Barangay Dela Paz, Tarlac City, nitong Linggo.

Kinilala ni SPO1 Aldrin Dayag ang biktimang si Reymark Casupanan, 28, ng nasabing barangay na nagtamo ng maraming tama ng bala sa iba’t ibang parte ng katawan, na agad niyang ikinamatay.

Dakong 6:15 ng gabi, nanonood ng basketball game ang biktima nang dumating ang dalawang lalaking magkaangkas sa motorsiklo at pinagbabaril siya. (Leandro Alborote)

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar