HASMINE copy

ISANG totally newcomer ang tumalo sa mga beteranong aktres na sina Nora Aunor, Barbie Forteza (Tuos), at Judy Ann Santos (Kusina) sa katatapos na awards night ng 12th Cinemalaya Philippine Independent Film Festival 2016.

Itinanghal na best actress ang newbie na si Hasmine Killip ng Pamilya Ordinaryo na idinirihe ni Eduardo Roy, Jr. na nagkamit din ng coveted best director award at pinarangalan din ang pelikula bilang best film at nakuha rin ang karangalan bilang NETPAC (Network for the Promotion of Asian Cinema) Jury Prize winner.

Nanghinayang man dahil hindi nakadalo sa una sana niyang awards night, ang sabi ni Hasmine -- nang maka-chat namin through Facebook messenger -- “We’ll just catch up the film in Venice.” Kasalukuyang nasa London, England si Hasmine dahil doon nakabase ang kanyang mister na si Anthony Killip.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Pagkatapos ipalabas sa Cinemalaya, nakatakda nang dalhin ang Pamilya Ordinaryo sa Venice, Italy para sa Venice Days Film Festival. Ito na ang pagkakataong hinihintay ni Hasmine at mister niya para mapanood nang buo ang pelikula.

Ang 13th Venice Days Film Festival - Giornate degli Autori ay magsisimula sa August 31 at tatagal hanggang September 10, 2016 on the ocassion of the 73.Mostra Internazionale d’Arte Cinematografica.

Naitanong din namin kay Hasmine how she feels having beaten Nora and Juday for the Cinemalaya best actress plum?

“Honestly, I didn’t think I will win the award or beat the other actresses. I have much respect to Ms. Judy Ann and Ms. Nora Aunor and I am humbled just to be in the same category as them. I am thankful that I was given a chance to portray the role of Jane and all I wanted was to give it justice. Winning the award is both a happy and a humbling moment,” pagtatapat ni Hasmine.

Ang line producer ng Pamilya Ordinaryo na si Sarah Pagcaliwagan- Brakensiek ang nagbasa ng acceptance speech ni Hasmine, kasama ang direktor nilang si Eduardo Roy, Jr. (Lito Mañago)