Naka-red alert pa rin ang Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) upang matiyak ang kaligtasan ng mga residente sa matinding ulan na idudulot ng hanging habagat.

Ayon kay Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada, inatasan na niya ang lahat ng rescue at emergency units ng lungsod na maging alerto upang agad makapagresponde sa anumang kaganapan.

“Dapat ay nakaalerto pa din tayo… para masiguro ang kaligtasan ng ating mga kababayan,” ani Estrada matapos matanggap ang huling ulat ng PAGASA kahapon ng umaga na tuluy-tuloy pa rin ang pag-ulan sa susunod na mga araw.

Sinabi ng alkalde na bukod sa pagguho ng isang pader sa Sta. Cruz noong Sabado na ikinamatay ng 2 katao at pananalasa ng buhawi sa Intramuros at Port Area nitong Linggo na sumira ng ilang kabahayan, ay wala nang anumang insidenteng naganap sa lungsod.

Relasyon at Hiwalayan

John Lloyd Cruz, Isabel Santos nag-unfollow sa isa't isa; minamalisyang hiwalay na!

Tiniyak niya ang tulong ng pamahalaang lungsod sa mga naapektuhan ng mga naturang problema. (Mary Ann Santiago)