Nangako ng totoong pagbabago sa gobyerno si Pangulong Rodrigo Duterte, ngunit hindi umano niya kayang mag-isa para isakatuparan ito.

Dahil dito, hinimok ng Pangulo ang mga opisyal ng pamahalaan na sabay-sabay ipatupad ang pagbabago---sa pamamagitan ng hindi pag-abuso sa kapangyarihan at kaban ng bayan.

“Real change, as I said, begins with us and in us. The first that we must change is the mindset that the power and resource of the offices we occupy are ours to enjoy,” ayon sa Pangulo.

Ang pahayag ay kasabay ng pagsusumite ng panukalang 2017 national budget sa Kongreso, kung saan binigyang diin ng Pangulo na ang taumbayan na umaasa ng pagbabago ay ‘lifeblood’ ng gobyerno.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“We must remind ourselves of this basic principle: our people, through their taxes, provide the lifeblood of the government. They are the reason for government’s very existence. Our people expect no less from us,” ayon sa Pangulo.

Idinagdag pa ng Pangulo na ang pagkawala ng tiwala ng taumbayan sa gobyerno ang pangunahing problema sa bansa na dapat harapin. Samantala nag-uugat umano ito sa maraming krimen at korapsyon.

“I was elected to bring forth real change in the government. It is a tall order that cannot be fulfilled by one person alone,” ayon sa Pangulo. (Genalyn Kabiling)