BAGO isinagawa ang awards night ng Cinemalaya 2016, matunog ang pangalan ng half-brother ni Coco Martin na si Ronwaldo Martin na mag-uuwi ng Balanghai trophy for best actor, para sa epektibo niyang pagganap bilang teenage dad at batang kalye sa Pamilya Ordinaryo ni Direk Eduardo Roy, Jr. Ginanap ang awards night nitong nakaraang Linggo ng gabi sa Cultural Center of the Philipines (CCP) Main Theater.

Ang beteranong aktor na si Tommy Abuel ang nanalong best actor para sa performance niya sa Dagsin ni Renato Ignacio Magadia, Jr.

“Hindi naman po ako umaasa pero kung papalarin, salamat,” matipid na sagot ni Ronwaldo nang tanungin namin kung umaasa siyang maiuuwi niya ng best actor trophy bago ang awards night.

Itinuturing naming biggest upset ng gabing iyon ang pagkakasilat ni Tommy kay Ronwaldo para sa best actor category ng Cinemalaya 2016.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Pero inirerespeto ng lahat ang pasya ng Cinemalaya 2016 juries na kinabibilangan nina Charo Santos-Concio, Jerrold Tarog, Lav Diaz at dalawang foreign judges.

Ang hindi lang namin matanggap ay ang pagkakapili kina Lou Veloso, Jun Urbano, Leo Rialp at Nanding Josef bilang winners ng best supporting actor. Sa ganang amin, ang apat na mahuhusay na aktor ang bida ng pelikulang Hiblang Abo (Strands of Gray) na idinirehe ni Ralston Jover.

Noong mga nakaraang taon, nagbibigay naman ang Cinemalaya ng separate category for Best Ensemble Acting awards tulad ng nangyari noon kina Judy Ann Santos, Janice de Belen, Agot Isidro at Iza Calzado para sa Mga Mumunting Lihim ni Jose Javier Reyes.

Gayunpaman, naibigay na ang award at wala naman kaming karapatang kumuwestiyon sa desisyon ng mga hurado.

No show si Elizabeth Oroposa na nanalong best supporting actress para sa I America at si Hasmine Killip na itinanghal na best actress para sa Pamilya Ordinaryo. Naroroon si Hasmine sa London, England dahil doon nakatira ang kanyang mister.

Sa pangkalahatan, naging mabilis ang awards ceremony maliban sa ilang technical glitches. Nahirapan din ang mga presenter sa pagbabasa sa teleprompter na ipinuwesto sa gitna habang nasa isang side naman ng entablado ang magbabasa.

Mala-Oscars ang dating ng awards night dahil live orchestra ang tumutugtog habang umaakyat ng entablado ang mga winner.

Naging host sina Alessadra de Rosi at Nar Cabico ng gabi ng parangal ng 12th Cinemalaya Philippine Independent Film Festival, mula sa direksiyon ni Rico Gutierrez.

Narito ang kumpletong listahan ng mga nagwagi sa Full Length Feature Films category:

Best Film - Pamilya Ordinaryo

Best Director - Eduardo Roy Jr. (Pamilya Ordinaryo)

Best Actor - Tommy Abuel (Dagsin)

Best Actress - Hasmine Killip (Pamilya Ordinaryo)

Special Jury Prize - Mercury Is Mine

NETPAC Award - Pamilya Ordinaryo

Best Screenplay - Jason Paul Laxamana (Mercury is Mine)

Best Supporting Actor - Lou Veloso, Jun Urbano, Leo Rialp, Nanding Josef (Hibla)

Best Supporting Actress (tie) - Lollie Mara (Ang Bagong Pamilya ni Ponching), Elizabeth Oropesa (I America)

Best Cinematography - Mycko David (Tuos)

Best Production Design - Steff Dereja (Tuos)

Best Editing: Carlo Francisco Manatad (Pamilya Ordinaryo)

Best Original Musical Score - Jema Pamintuan (Tuos)

Best Sound: Monoxide Works (Tuos)

Audience Choice Award - Tuos

Short Feature Films:

Best Short Film - Pektus

Best Director - Mon Garilao (Fish Out of Water)

Special Jury Prize - Fish Out of Water

NETPAC Award - Ang Maangas, Ang Marikit, at Ang Makata

Best Screenplay - Isabel Quesada (Pektus)

Audience Choice Award: Forever Natin (LITO MAÑAGO)