Mga Laro ngayon

(San Juan Arena)

12 n.t. -- San Beda vs St.Benilde

2 n.h. -- Arellano vs San Sebastian

Another gold! Hidilyn Diaz, isa nang guro sa UP Diliman

4 n.h. – UPH vs EAC

Patatagin ang pagkakaupo sa top 3 spots ang tatangkain ng San Beda College, Arellano University at University of Perpetual Help sa pagsabak sa kani-kanilang karibal sa pagpagsimula ng second round ng NCAA Season 92 men’s basketball tournament sa San Juan Arena.

Makakatunggali ng first round topnotcher Red Lions ang cellar dweller College of St.Benilde sa unang laban ganap na 12:00 ng tanghali habang magtutuos ang second seed Arellano University at 9th placer San Sebastian College ganap na 2:00 ng hapon bago ang huling salpukan sa pagitan ng 3rd seed University of Nagawang ma-birdie ni Tabuena ang Nos. 3, 5, 8, 16, at 18, lahat sa layong limang talampakan., ngunit nag-bogey siya sa Nos. 2, 4, 6 at 10.

“I was targeting every pin because I just wanted to shoot as low as I could today. There was no holding back,” sambit ni Tabuena.

Nakopo ni Rose, 2013 US Open champion, ang kauna-unahang gintong medalya sa golf matapos ang 112 taon sa kabuuang 268 iskor mula sa puntos na 67, 69, 65, at 67.

Nakamit ni reigning French Open champion Henrik Stenson ng Sweden ang silver tangan ang iskor na 270 (66-68-68-68), habang bronze medalist si Matt Kuchar ng United States sa sports na huling isinagawa noong 1904.

Sa pagkasibak nina Tabal at Tabuena, ang nalalabing pag-asa ng bansa para sa gintong medalya ay nakapasan sa balikat nina Eric Cray sa men’s 400m hurdles at Marestella Torres Sunang sa women’s long jump; gayundin kay taekwondo jin Kirstie Elaine Alora.

Nakalinya si Cray sa Heat 4 sa men’s 400 hurdles prelims sa 12 ng tanghali ng Lunes dito (Lunes ng 11:00 ng gabi sa Manila).

Sasalang si Torres- Sunang sa women’s long jump sa Martes, habang mapapalaban si Alora sa +67 kg ng women’s taekwondo sa Abril 20.

Perpetual Help at No.8 team Emilio Aguinaldo College sa ganap na 4:00 ng hapon.

Tulad sa mga naunang pagtatagpo, paboritong muli ang Red Lions, Chiefs at Altas.

Magkagayunman, gustong maniguro ng mga nangingibabaw na koponan na makaagwat sa kanilang mga kalaban sa labanan para sa Final Four round.

“Walang advantage, patas lang lahat ng teams lalo sa second round, everybody wants to advance in the semis.So we must be always prepared,” pahayag ni Chiefs coach Jerry Codiñera.

Babawing tiyak ang Red Lions mula sa kabiguang natamo sa kamay ng Jose Rizal University sa pagtatapos ng first round makaraang ipanalo ang unang laban.

Baon naman ang inspirasyon sa pagkapanalo sa slam dunk contest sa nakalipas na All Star, sisikapin ni Yankie Jaruna na giyahan ang Blazers sa target na upset victory para sa una nilang panalo. (Marivic Awitan)