KATHMANDU, Nepal (AP) — Isang bus na puno ng mga taong bumiyahe mula sa kanilang mga bayan sa Nepal para tanggapin ang ayuda ng pamahalaan sa mga biktima ng lindol noong nakaraang taon ang dumausdos at nahulog sa makipot na kalsada sa gilid ng bundok nitong Lunes na ikinamatay ng 33 at ikinasugat ng 28 iba pa.

Patungo ang bus sa Kartike Deurali village, kabilang sa pinakamatinding tinamaan ng lindol, na pumatay ng halos 9,000 katao sa bansa. Madulas ang kalsada – na isang sasakyan lamang ang maaaring makadaan – dahil sa patuloy na ulan.

“The bus stalled while climbing the hill and the driver tried to restart it, but the vehicle rolled backward and then slipped off the road,” sabi ng pasaherong si Kopila Gautam na ginagamot sa National Trauma Center sa Kathmandu.

Ayon sa kanya, 85 pasahero ang nasa loob ng bus habang marami pa ang nakasakay sa bubungan nito. Puno rin ito ng mga sako ng bigas, lentil, at harina na dadalhin sa mga pamayanan.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina