Binuhay ng San Beda College ang tsansang makahabol sa semifinals matapos itala ang pahirapang panalo sa Emilio Aguinaldo College, 18-25. 18-25, 26-24,25-21, 15-12, kahapon sa Spiker's Turf sa Philsports Arena sa Pasig City.

Nagtala ng 13 puntos si Yeshua Felix Manliclic na kinabibilangan ng 4 na blocks habang nagdagdag ng 11 hit si Gerald Zabala upang pangunahan ang unang panalo sa tatlong laro ng Red Lions.

Natikman naman ng Generals ang ikatlong sunod na kabiguan.

Nawalan ng saysay ang game-high 27 puntos ni Israel Encina at 12 puntos ni Kerth Melliza sa Generals.

Another gold! Hidilyn Diaz, isa nang guro sa UP Diliman

(Marivic Awitan)