Tinangkang suhulan ng mga gambling lord sa Luzon si Philippine National Police (PNP) chief Police Director General Ronald “Bato” Dela Rosa.

Ibinunyag ito ni Dela Rosa kasabay ng paalala sa mga tauhan na itigil na ang pagtanggap ng bribe money mula sa gambling lord.

Ayon sa PNP chief, inalok siya ng milyun-milyong pera ng ilang gambling lord sa Luzon na hindi muna niya pinangalanan.

Sinabi pa ni Dela Rosa na agad niyang ipinaalam kay Pangulong Rodrigo Duterte ang pag-aalok sa kanya ng protection money. Pinayuhan diumano siya ng Pangulo na iwasan ito dahil kapag siya ay natukso ay parang nakatali na ang kanilang mga kamay at hindi na makagagalaw upang labanan ang operasyon ng iligal na pasugal sa bansa.

Hiling ni Sen. Imee sa Sto. Niño: 'Sana ginhawaan ang buong sambayanang Pilipino!'

Dahil dito nagbanta si Dela Rosa sa lahat ng mga pulis na huwag magkakamaling madala sa tukso upang hindi malagay sa alanganin ang kanilang propesyon bilang alagad ng batas. (Fer Taboy)