BONGABON, Nueva Ecija - Patay na nang maisugod sa pagamutan ang isang drug surrenderer makaraang pagbabarilin ng hindi nakilalang riding-in-tandem sa Barangay Santor sa bayang ito, nitong Sabado ng umaga.

Kinilala ng Bongabon Police ang biktimang si Alberto Constantino y Indiana, alyas “Betong”, 46, residente sa nasabing lugar, na nagtamo ng tatlong tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan mula sa hindi tukoy na kalibre ng baril.

Ayon sa dalawang kaibigan, magtatanghali nitong Sabado at nag-uusap-usap sila nina Constantino sa terrace ng bahay ng isa nilang kaibigan nang biglang sumulpot ang dalawang suspek at malapitang pinagbabaril ang biktima.

Batay sa record ng pulisya, si Constantino ay ikapito sa target drug personality ng Nueva Ecija at kamakailan ay sumuko pa sa himpilan ng Bongabon Police kaugnay ng Oplan: Tokhang. (Light A. Nolasco)

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar