RIO DE JANEIRO (AP) — Kinatigan ng Court of Arbitration for Sport (CAS) ang apela ni Russian track and field athlete Darya Klishina na payagan siyang makalaro sa Rio Olympics.

Si Klishina ang tanging atleta sa Russian athletics team ang pinayagang makalaro sa Rio dahil nagsasanay ito sa United States. Ngunit, nagdesisyon ang International Amateur Athletics Federation (IAAF) na pigilan siya dahil sa bagong impormasyon na natanggap mula a World Anti-Doping Agency (WADA).

Hindi naman klaro kung anong impormasyon ang natanggap ng IAAF

Matatandaang pinatawan ng IAAF ng ‘total ban’ ang Russian athletics team dahil sa pagkakasangkot ng mga atleta sa pandaraya sa doping test ng state-run doping laboratory.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Inirekomenda rin ng WADA sa International Olympic Committee (IOC) ang ban para sa buong Team Russia sa Rio Olympics, ngunit ibinasura ito ng Olympic body at hinayaan ang iba’t ibang international federation na magdesisyon sa kapalaran ng Russian athlete.

Dahil sa CAS ruling, makakalaro na si Klishina sa women’s long jump event sa Rio na nakatakda sa Miyerkules.