Nais ni Senator Sonny Angara na pondohan ang drug rehabilitation sa panukalang P3.3 trillion budget ngayong 2017 dahil na rin sa dami ng sumukong drug dependents.

“It is not enough that we have a budget for the ‘jail the pusher’ part. We must also fund the ‘save the user’ component of the anti-drug campaign,” ani Angara.

Sinabi pa nito na dapat matulungan ang mga drug dependents sa kanilang pagbabagong buhay dahil kung hindi ito mabibigyan ng sapat na atensyon, tiyak na babalik ito sa dating ugali.

Sinabi nito na wala sa P154 bilyong badyet ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang drug rehab program, at tanging ang P634.4 milyon lamang ang napunta sa operasyon ng Dangerous Drug Abuse Treatment and Rehabilitation Centers ng Department of Health (DoH).

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

“For a problem so big, treatment of drug addiction has very, very small footprint in the national budget. This should not be the case in the 2017 national budget,” ani Angara.

Aniya, kulang ang mga drug rehabilitation facilities sa buong bansa at hindi ito sasapat sa pagdagsa ng drug dependents. - Leonel M. Abasola