Cast ng ‘Goin Bulilit’MAY mga bagong karagdagan na uling ‘bulilit’ sa hit ABS-CBN gag show na Goin’ Bulilit.

Makakasama na sa kuwelang kiddie barkada nina Izzy Canillo, Clarence Delgado, Mutya Orquia, Bea Basa, Ashley Sarmiento, CX Navarro, JB Agustin, Kazumi Porquez, Mitch Naco, Allyson Mcbride, at Josh de Guzman ang walong rising kid stars na kinabibilangan nina Raikko Mateo, Nathan Prats, Vito Quizon, Marc Santiago, Chunsa Jung, Sophia Reola, Cessa Moncera, at Lilygem Yulores.

Naging pamilyar na sa televiewers si Raikko simula nang gampanan ang papel na Honesto sa hit seryeng may parehong titulo. Teleserye rin ang naging daan ni Marc para makilala nang gampanan naman niya ang papel na batang Tenten sa Dolce Amore.

May dugong showbiz naman sina Nathan at Vito dahil sa kanilang mga magulang. Anak ni Camille Prats si Nathan at anak naman ni Vandolph si Vito.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Samantala, si Chunsa ay unang sumikat sa “Mini Me” segment ng It’s Showtime bilang mini Maja Salvador at sina Sophia, Cessa, at Lilygem naman ay nag-audition at lumabas na rin sa ilang TV commercials.

Tulad nang dati, asahan nang sa kanilang pagdating ay mas magiging exciting at kuwela ang bawat episode. Bukod sa bagong segments ng show ay dadalaw din sa show ang espesyal na mga bisita tulad ni Daniel Padilla at Bulilit alumna na si Kathryn Bernardo.

Sa 11 taong pagiging hit sa young ones and young once na audience, hindi lang naghahatid ng saya ang Kapamilya comedy show tuwing Linggo, kundi hinuhubog din nito ang ilan sa pinaka-bankable na mga artista ngayon tulad nina Kathryn, Julia Montes, Miles Ocampo, Jane Oineza, Kiray Celis, CJ Navato, Kristel Fulgar, Sharlene San Pedro, Trina Legaspi, Mika dela Cruz, Nash Aguas, at Alexa Ilacad.

Ang Goin’ Bulilit ay creation ni Bobot Mortiz, idinidirehe ni Frasco Mortiz, at ipinoprodyus ng business unit ni Reily Santiago.

Napapanood ito pagkatapos ng TV Patrol Weekend tuwing Linggo.