NEW YORK (AP/Reuters) — Iniutos ng New York Police ang paglikas sa John F. Kennedy International Airport matapos marinig ang mga putok ng baril sa Terminal 8 malapit sa departure area dakong 9:30 ng gabi noong Linggo.

Makalipas ang ilang sandali isinara ang Terminal 1 matapos marinig ang mga karagdagang putok ng baril. Isinara rin ang expressway na patungo sa paliparan at pinigil ang lahat ng inbound flights hanggang 11:30 ng gabi dahil sa seguridad.

“The terminal was evacuated out of an abundance of caution,” sabi ng Port Authority.

Makikita sa mga video at litratong ipinaskil sa social media ang daan-daang katao na lumalabas sa Terminal 8, na ginagamit ng Air Berlin, Alaska Airlines, American Eagle, American Airlines, Finnair, at iba pang carrier para sa departure.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Ngunit matapos ang preliminary investigation, walang natagpuang ebidensiya ng pagpaputok o basyo ng bala ng baril sa Terminal 8 kung saan unang narinig ang mga putok na nagbunsod ng paglikas, sinabi ng Port Authority ng New York at (New Jersey sa Twitter)