Ipinatigil ng Mandaluyong Regional Trial Court ang pagpapatupad ng Philippine Racing Commission (Philracom)  sa 53 resolutions na nilabanan ng Metro Manila Turf Club (MMTCI).

Sa isang writ of preliminary injunction na ipinalabas noong isang araw ng Mandaluyong RTC, binigyan daan nito ang kahilingan ng MMTCI na ipatigil ang pagpapatupad ng mga nasabing 53 Resolutions.

Sinabi ng Mandaluyong RTC na “nakita ito ng maliwanag at hindi mapapasubaliang tama…na ipatigil ang mga respondents (Philracom) sa patuloy at nakaambang implementasyon ng nasabing 53 Resolutions.”

Ayon na rin sa mga ebidensyang naisumite, sinabi rin ng Korte na ang paglalabas at implementasyon ng mga nasabing 53 Resolutions ay nangangahulugan ng “materyal at matinding pakikialam sa karapatan ng MMTCI dahil ang mga ito (53 Resolutions) ay sumasaklaw at nakikialam sa halos lahat ng aspeto ng business operations ng MMTCI na puwedeng magdulot ng grabe at irreparable injury sa kanila at pagdurusa ng malaking kawalan na puwedeng magdulot ng pagkalugi.”

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Sinabi rin ng Korte na dapat na ipatigil ng Philracom “kasama na ang iba pa nitong mga opisyal, empleyado, ahente, at mga representatives at iba pang mga kumakatawan dito ang implementasyon ng 53 Resolutions na pawang inisyu noong 2015 at 2016.”

Ang MMTCI, ang nagpapatakbo ng ikatlo at pinakabagong karerahan sa bansa na kilala sa tawag na MetroTurf na nasa Malvar-Tanauan, Batangas, ay naunang nag-apply ng injunction laban sa nasabing 53 Resolutions na ipinalabas ng Philracom, sa pamumuno ni Chairman Andrew Sanchez.

Kasama sa nasabing demanda ng MMTCI laban sa Philracom sina Philracom commissioners Lyndon Noel B. Guce, Victor Tantoco, Jose P. Gutierrez Santillan Jr., Bienvenido Niles Jr., Wilfredo J. A. Ungria, Ramon Bagatsing Jr., at  executive director Andrew M. Buencamino.

Ang naturang resolustion ay naging resulta umano sa patuloy na pagbagsak ng industriya ng karera sa bansa mula P8.22-billion noong 2014 pabulusok sa P7.71-billion na lamang nitong nakaraang taon o kabuuang P516-million pagkalugi. - Angie Oredo