LIMA, Peru (AP) – Libong katao ang nagmartsa sa kabisera ng Peru nitong Sabado pang iprotesta ang mga karahasan laban sa kababaihan at ang anila’y hindi pantay na sistema ng hukuman.
Sama-samang naglakad ang mga aktibista, alagad ng sining, politiko at mamamayan patungo sa palace of justice ng Lima kasunod ng reklamo ng mga grupo ng kababaihan sa mahinang parusa laban sa mga nagkasala. Nakiisa sa kanila si President Pedro Pablo Kuczynski at first lady Nancy Lange.
Ang martsa sa Peru ay kasunod ng mga parehong protesta sa iba pang bansa sa Latin America sa ilalim ng slogan na #NiUnaMenos (#NotOneLess).