AFTER Always Be My Maybe, may follow-up movie na si Arci Muñoz, ang Camp Sawi na ipapalabas na ngayong buwan. Ayon kay Arci, hindi stressful ang trabaho niya sa Camp Sawi dahil feeling nila ng co-stars niyang sina Bela Padilla, Kim Molina at Yassi Pressman ay nagbabakasyon din sila habang nagso-shooting sa location nila sa Cebu.

“It’s a workation for all of us and I know that a lot of people can relate to the story kasi marami naman talagang na-heartbroken, nasawi. So ito ‘pag napanood nila marami silang matututunan, step by step, ‘yung papaano maka-move on,” bungad ng aktres sa presscon ng pelikula.

Nagkuwento rin si Arci na walang sapawan o kumpetisyon sa tropang Camp Sawi dahil magkakaibigan sila.

“Kaming lahat, wala talaga (competition), ‘tsaka magkakaibigan kami, si Kim first time namin makasama, pero lahat kami before mag-start magkakaibigan na kami, so para lang kaming nagbakasyon magtrotropa, parang nag-girl bonding kami,” paliwanag niya.

Matalino lang sa papel? DJ Chacha, nagpahaging sa dunung-dunungan

Sa muling pagharap ni Arci sa media, kapansin-pansin ang bago niyang hairstyle na bumagay naman sa kanya. 

“Gusto ko ilayo do’n sa hitsura ko sa Always Be My Maybe since pareho silang rom-com. Pero ito mas malalim, eh, ayokong sabihing hugot kasi mas malalim siya sa hugot. Pero gusto ko ilayo ‘yung sarili ko sa Always Be My Maybe and every time naman na gumagawa ako ng project gusto ko talaga iba ‘yung hitsura ko do’n sa previous na ginawa ko. So ito sakto siya, kasi ‘yung character niya rockstar siya, may banda siya, ‘yung ex niya sira-ulo, may banda rin,” sabi pa ng dalaga. (Ador Saluta)