Sa kabila ng tuluy-tuloy na pagbuhos ng ulan, walong pamilya ang nawalan ng tirahan habang isang bombero ang sugatan matapos sumiklab ang apoy sa Barangay Batasan Hills, Quezon City noong Sabado ng gabi.

Ayon kay Fire Supt. Jesus Fernandez, Quezon City Fire Marshall, higit-kumulang P100,000 halaga ng ari-arian ang natupok ng apoy na umabot sa ikatlong alarma dakong 7:52 ng gabi.

Base sa inisyal na imbestigasyon, nagmula ang apoy sa isang residential house na pagmamay-ari ni Jovita Gayo, 82, na tinitirhan ni Marilyn Goce.

Nagsimula umano ang apoy sa sala at mabilis na kumalat sa tatlong katabing bahay.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Inaalam pa ang sanhi ng sunog. (Francis T. Wakefield)