Pinaalalahanan ni Balanga Bishop Ruperto Santos, chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People (CBCP-ECMIP), ang mga overseas Filipino worker na huwag makisimpatiya sa mga extremist group matapos isang Pinay housemaid sa Kuwait ang inaresto sa diumano’y balak na pag-atake para sa ISIS (Islamic State of Iraq and Syria).

“We call on our OFWs not to be taken in by ideologies that sow violence and hatred,” panawagan ni Santos. “Our OFWs should avoid anything or anyone that sows destruction and death.”

Umapela rin ang obispo sa publiko na ipanalangin ang mga OFW na maging ligtas at malayo sa kapahamakan.

Hiniling ni Santos sa pamahalaan na pagkalooban ng legal assistance ang nasabing Pinay. “We, in the Commission, sincerely hope that we can obtain credible information, especially for her family,” aniya. - Mary Ann Santiago
Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'