BONGABON, Nueva Ecija – Pinaniniwalaang sobra ang dinanas na depresyon ng isang 23-anyos na lalaki na natagpuang nakabigti sa loob ng kubo na katabi ng kanyang bahay sa Barangay Pesa, kahapon ng umaga.

Kinilala ng Bongabon Police ang nagpatiwakal na si Valentin Ledesma y Aratates, magsasaka, na nakabitin sa loob ng kubo nang matagpuan ng kanyang amang si Ernesto Ledesma y Ruz, 43, dakong 5:00 ng umaga kahapon.

Hinala ng pamilya, labis na dinamdam ni Valentin ang pagpanaw ng kinakasama nito sa hindi tinukoy na dahilan, dahil makaraang maulila sa kasintahan ay madalas umanong sabihin nito na gusto na nitong wakasan ang sariling buhay.

(Light A. Nolasco)

Probinsya

6-anyos na batang babae, patay matapos makuryente sa charger ng cellphone